Ipinapanawagan pa rin ng mga residente ng bayan ng Malasiqui ang kakarampot na suplay ng tubig na tumutulo sa kanilang mga gripo.
Base sa mga ibinabahagi ng mga residenteng apektado ng kakaunting suplay ng tubig sa kanilang mga kabahayan ay matagal na anilang iniida ang problema ito kung saan naaapektuhan na anila ang kanilang araw-araw na pamumuhay.
Ayon pa sa ibang residente na dahil sa kakaunti lamang ang tumutulong tubig sa kanilang gripo ay nagiging perwisyo na ito sa kanila.
Dahil dito ipinapanawagan ng mga residente ang kanilang hinaing sa mga opisyales ng bayan upang resolbahin ang problemang ito.
Matatandaan na una nang pumutok ang problemang ito noong nakaraang taon.
Matatandaan na hindi na rin nag-renew ang water provider ng bayan na IWADCO dahil sa ilang problemang kinakaharap nito.
Matatandaan din na nagkaroon na ng pag-uusap ang mga opisyal ng bayan ukol dito ngunit tanging ang hinahanap nila ay ang gustong mag-suplay ng tubig sa bayan ng Malasiqui.
Hinihingian pa ulit ng IFM News Dagupan ng reaksyon ang mga kinauukulan sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨