𝗞𝗔𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗟𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗙𝗔𝗥 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 na walang magiging kakulangan sa suplay ng bangus ngayong Holiday Season.

Nanindigan ang Samahang Magbabangus sa Pangasinan (SaMaPa) na nananatiling matatag ang suplay ng bangus sa merkado.

Anila, hindi umano tumigil ang kooperatiba sa pagsusuplay ng bangus partikular sa Magsaysay Fish Market na pinakapangunahing bentahan nito.

Kinumpirma rin ng ilang bangus harvesters na bagamat magkakasunod-sunod na bagyo ang naranasan sa lalawigan nitong nakaraang buwan, ay hindi lubusang naapektuhan ang produksyon ng bangus.

Sa kasalukuyan, naglalaro sa P150 hanggang P160 ang standard price ng produkto, habang ang iba pang presyuhan nito ay dumedepende sa laking bibilhin ng mga consumer.

Samantala, nararanasan sa ngayon ang tumal ng bentahan ng bangus ayon sa mga vendors bagamat inaasahang lalakas ito ilang araw bago ang Pasko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments