𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗥𝟭, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔; 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗠𝗢𝗞 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜

Hinihimok ngayon ang publiko na makibahagi sa isasagawang ‘Kalayaan Job Fair’ ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 na siyang isasabay sa anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa June 12, 2024.

Makakapagbukas muli ito ng iba’t-ibang oportunidad at trabaho sa mga Pangasinenseng nagnanais na makahanap ng trabaho para sa kanila.

Isasagawa ang naturang job fair sa dalawang bayan sa lalawigan ng Pangasinan kung saan libong mga trabaho ang maaaring applyan ng mga job seekers mula sa mga naghahanap na mga local at overseas employment.

Samantala, gaganapin sa mall sa bayan ng Calasiao at Rosales, Pangasinan ang mga naturang job fair ng DOLE R1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments