Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Basista na ligtas kainin ang mga ibinebentang karne ng baboy sa mga pamilihan sa bayan.
Ito ay matapos magpahayag ng reklamo ang isang netizen sa social media na infected umano ng African Swine Fever ang mga karne ng baboy na kinakatay sa slaughterhouse ng bayan.
Iginiit naman ng mga meat vendors, inspectors at staff ng slaughterhouse na dumaan sa mabusising inspeksyon ang mga baboy na kinakatay papunta sa palengke ng Basista.
Sinabi naman ng lokal na pamahalaan na nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang masigurong hindi apektado ng ASF ang karne ng baboy sa Basista. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments