Ipinanawagan ng Provincial Government ng Pangasinan ang kalinisan sa Lingayen Baywalk na laging dinadagsa ng mga residente at turista.
Ito ay sa kabila rin ng mga nagtayo ng food stall sa baywalk na bukas sa hapon hanggang gabi.
Hinihikayat ang mga nagpupunta rito na huwag ikalat ang basura upang mapanatili ang ganda at
hindi na umabot pa sa dagat.
Sa San fabian beach naman, panawagan ng ilang residente sa mga dayo na maging responsable
at itapon sa basurahan o iuwi ang pinagkainan.
Pangamba ng mga ito maaring anurin ng tubig ang mga basura sakaling tumaas ang tubig dagat
dahil sa storm surge.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments