𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗘𝗟𝗟𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗧. 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗪𝗢 𝗪𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗜

Balik na muli sa two-way ang kalsadang maaaring daanan sa bahagi ng Arellano St. sa Dagupan City simula kahapon matapos na isarado muna ang isang bahagi nito dahil sa konstruksyon o road elevation.

Tanging problema na lamang umano ay ang pag-lilift o pagtatrabaho sa overpass roon dahil magkakaroon ng kaunti umanong delay sa pag-uupgrade nito.

Ayon sa lokal na gobyerno ng Dagupan City, iminumungkahi naman nila na sa mga oras ng gabi nila maaaring isagawa ang pag-uupgrade sa naturang overpass nang sa gayon ay tuloy na tuloy ang pagbyahe ng mga motorist sa buong kalsada sa Arellano St.

Hindi pa umano fully complete ang konstruksyon sa Arellano St. kung kaya’t humihiling pa ng kaunting pang-unawa ang LGU Dagupan dahil tuloy-tuloy naman ang pagtatrabaho ng DPWH para matapos ang mga naturang kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments