Patuloy na isinusulong ngayon sa lungsod ng Dagupan ang kailanlamang inilunsad na Kalusugan at Kaligtasan for All, hatid ang libreng mga bakuna para sa mga Dagupeño.
Saklaw nito ang pagtuturok ng libreng flu at pneumonia vaccine para sa mga residente sa nasabing lungsod.
Nauna nang naging benepisyaryo ang mga residente mula sa Barangay 2 & 3, Caranglaan at Lucao at sa kasalukuyan, umaraangkada ito sa Barangay Mayombo at Barangay Bonuan Gueset.
Layon nitong makaiwas sa mga sakit dulot mga respiratory illnesses tulad ng influenza-like illnesses na nagkaroon ng mataas na kaso sa lalawigan.
Samantala, dala ang libreng bakuna sa tatlumpo’t-isang barangay sa Dagupan at mga senior citizens bilang prayoridad na maturukan ng naturang bakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments