Patuloy na itinataguyod sa Ilocos Region ang kampanya laban sa umiiral na sitwasyon ukol sa child labor sa rehiyon.
Bahagi ng aksyon ng Regional Council Against Child Labor (RCACL) Ilocos – Department of Labor and Employment (DOLE) Region I ang pagsasagawa ng mga information and service caravan at iba pa na may layong makapagtaas ng kamalayan ukol sa nasabing isyu.
Alinsunod dito, nakatakdang isagawa ang isang information and service caravan sa Don Leopoldo Sison Convention Center sa Alaminos City, Pangasinan, sa darating na November 26, 2024 kasunod na rin sa selebrasyon ng National Children’s Month.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority mula noong 2020-2022, nasa 63, 756 o 7.7% ng kabuuang bilang ng child laborers sa bansa ay mula sa Ilocos Region.
Bilang pagtugon, inihahanda ang mga programa at serbisyo para sa mga natukoy na mga child laborers sa rehiyon upang mabenipisyuhan ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨