𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗖𝗬𝗕𝗘𝗥𝗖𝗥𝗜𝗠𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Pinaiigting ng Pangasinan Provincial Cyber Response Team ang kanilang kampanya kontra cybercrime sa lalawigan upang mabawasan ang mga nabibiktima online.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay PPCRT Team Leader PLT. Sharmaine Jassie Labrado, wala umanong pinipiling edad ang mga scammers sa kahit ano pang uri ng pambibiktima online.

Dapat umano na magkaroon rin ng sapat na kaalaman ang bawat isa pagdating sa cybercrime nang maiwasan ang mabiktima.

May mga isinasagawang seminars ang naturang tanggapan kung saan nakikipag-ugnayan rin sa mga lokal na ahensya upang ibahagi ang mga kaalaman ukol sa cybercrime kung paano ito maiiwasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments