Patuloy ang pagsulong sa kampanya kontra iligal na droga ng Philippine Drug Enforcement Agency sa lalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng iba’t-ibang aktibidad na isinasagawa.
Ilan sa mga aktibidad na isinasagawa para sa pagpapalawig pa ng PDEA laban sa iligal na droga ay mga drug symposium sa mga lokal government units sa lalawigan.
Isinasagawa rin ang naturang symposium sa mga barangay, Persons Deprived of Liberty o PDL at orientation on drug-free workplace program.
Suportado rin ng provincial government ang mga rehabilitation programs sa probinsya ng Pangasinan para sa patuloy na pagpapaigting ng kampanya kontra iligal na droga.
Samantala, nasa higit isang libo o 1,168 ang drug cleared na barangay sa lalawigan ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments