Nagsagawa ng isang Rabies Awareness Symposium ang lokal na pamahalaan ng San Carlos kaugnay sa Pinaigting na kampaniya kontra rabies.
Pinangunahan ng City Health Office at City Veterinary Office ng lungsod ang naturang programa.
Tinalakay ang mga hakbang upang maiwasan ang sakit maging ang posibleng transmission nito sa tao.
Binigyang diin din ang kahalagahan ng pagpapabakuna sa mga alagang hayop at pagsusulong pa ng responsible pet ownership.
Sa tala ng Department of Health, siyam na ang naiulat na kaso ng rabies sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments