𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗘𝗖𝗛𝗔𝗚𝗨𝗘 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

CAUAYAN CITY- Nagsanib-pwersa ang kapulisan ng Echague Police Station sa pagpapaigting ng kampanya laban sa iligal na droga sa bayan ng Echague, Isabela.

 

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Chief Of Police PMaj. Rogelio Natividad, naging malaking tulong umano ang aktibong partisipasyon ng BADAC sa pagbibigay impormasyon sa mga buy-bust operations.

 

Aniya, isa sa kanilang adhikain na maideklarang drug cleared ang kanilang munisipalidad kung kaya’t sinisikap ng kanilang pamunuan na sugpuin ang iligal na droga at ipagpatuloy ang pagmomonitor nito.


 

Sinabi pa nito na sa animnapu’t-apat (64) na Barangay sa Echague ay labing pito (17) rito ang idineklarang drug-free ng PDEA habang ang apatnapu’t-pito (47) naman ay idineklarang drug cleared.

 

Sa ngayon, nakikipagtulungan umano ang pamunuan ng Echague Police Station sa PDEA at Lokal na Pamahalaan ng Echague upang maideklara ang kanilang bayan na drug-cleared municipality.

Facebook Comments