Patuloy na isinusulong sa lungsod ng Dagupan ang kampaya laban sa karahasan sa mga kababaihan at bata upang maisulong ang pagkakapantay-pantay ng bawat indibidwal.
Nito lamang ay nagsagawa ng pulong ang lokal na pamahalaan ng lungsod kasama ang mga miyembro ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) upang mawakasan ang karahasan o ano mang klase ng pang-aabuso.
Matatandaan, ayon sa DSWD Region 1, physical abuse sa mga kababaihan ang pinakamaraming kaso sa buong rehiyon uno ang kanilang natatanggap.
Samantala, bukod sa sa LCAT-VAWC ay nagpakita rin ng suporta ang iba pang organisasyon tulad Girls Scout of the Philippines at iba pang non-government organizations. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments