Paiigtingin ng Land Transportation Office Region 1 ang kampanya laban sa mga colorum na sasakyan sa rehiyon.
Nakipagpulong ang tanggapan sa Northern Philippine Transport Service Group (NPTSG) na magiging katuwang nito upang tuluyang mawakasan ang operasyon ng mga kolorum sa rehiyon.
Aminado ang tanggapan sa pagdami ng mga pumapasadang colorum na may banta sa seguridad ng mga mananakay.
Dahil dito, striktong isasagawa ang inspeksyon sa mga pumapasadang sasakyan at pagpapataw ng mas mabigat na penalty ang mga mahuhuling lumalabag.
Maliban dito, malaking tulong rin anila ang education campaign sa mga commuters at transport operators upang maiwasan ang pagsakay sa mga colorum na sasakyan.
Umaasa ang tanggapan na mapababa ang bilang ng mga colorum sa rehiyon sa naturang hakbang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨