𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝟮𝗡𝗗 𝗥𝗨𝗡𝗡𝗘𝗥 𝗨𝗣 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗬𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗔𝗧 𝗠𝗜𝗦𝗦 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗜𝗡𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗

Naging palaban ang pambato ng Pangasinan na si Ms. Rona Tamayo Lopez sa katatapos na Hiyas ng Pilipinas 2024 sa Quezon City.

Bitbit nito ang beauty with a purpose nang sumabak sa naturang kompetisyon kung kaya’t wagi ito bilang Hiyas ng Pilipinas 2024-2nd Runner up at Miss Continental World.

Siya ay nagwagi bilang Miss Limgas na Pangasinan Grand noong 2023 at taong 2022 siya ay kinoronahan bilang Miss Mangaldan.

Sa Facebook post ni Rona, nagpasalamat ito sa suporta ng buong Pangasinan at hindi inaakalang magwawagi ito sa national stage at magiging representative ng Pilipinas sa International Beauty Pageant.

Samantala, magtutuloy tuloy ang paghahanda ng naturang Pangasinan Beauty Queen sa kanyang kompetisyon para sa Miss World Continental 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments