Isang transport group sa bansa ang naghahain ngayon ng petisyong taas-pasahe bunsod ng patuloy na nararanasang taas presyo sa produktong petrolyo.
Petisyon ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) ang karagdagang dalawang piso partikular na sa mga tradisyunal na jeepney, kung saan mula sa ₱13 na minimum fare ngayon, gagawing ₱15.
Naiparating na sa tanggapan ng LTFRB ang naturang mungkahi at tiniyak naman ng pamunuan na masusing pinag-aaralan ang nasabing petisyon.
Sa Pangasinan ang mga ang mga opinyon ng mga PUV drivers o mga tsuper kaugnay dito.
Kung ang ilan pabor dahil makatutulong ito sa suliraning unstable na presyo sa krudo, ang iba naman ay hindi sumang-ayon dahilan umano na hindi lamang pamasahe ang tumataas maging mga iba pang bilihin at tuluyang mahihirapan ang publiko.
Samantala, epektibo rin kahapon, April 16 ang muling dagdag presyo sa produktong langis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨