Monday, February 16, 2026

π—žπ—”π—₯π—”π—šπ——π—”π—šπ—”π—‘π—š 𝗣𝗒𝗑𝗗𝗒 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗕𝗔π—₯𝗨𝗔𝗑-𝗠𝗔𝗕𝗔𝗑𝗧𝗔𝗗 𝗕π—₯π—œπ——π—šπ—˜, 𝗑𝗔𝗦𝗔 π—£πŸ­πŸ­πŸ±-𝗠; 𝗦𝗧𝗔 π—Ÿπ—¨π—–π—œπ—”π—‘π—”-𝗦𝗔𝗑 π—£π—”π—•π—Ÿπ—’, 𝗧𝗔π—₯π—šπ—˜π—§ π—•π—¨π—žπ—¦π—”π—‘ π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗧𝗔𝗒𝗑

Cauayan City – Isinusulong na ang konstruksyon ng Cabaruan–Mabantad Bridge matapos mapabilang sa General Appropriations Act (GAA) ang karagdagang pondo na nagkakahalaga ng β‚±115 milyon mula sa national government.

Ayon kay Cauayan City Mayor JC Dy, isang malaking biyaya para sa lungsod ang agarang paglalaan ng pondo dahil masisiguro nito ang tuloy-tuloy na progreso ng proyekto.

Sa kanilang isinagawang inspeksyon, nakita na nakatayo na sa gitna ng Cagayan River ang mga poste ng tulay at halos kalahati na ang naaabot nito patungo sa kabilang pampang.

Kasabay nito, patuloy ding binibigyang pansin ang konstruksyon ng Sta. Luciana–San Pablo Bridge na inaasahang magbubukas ngayong taon.

Idinisenyo ito bilang isang all-weather bridge, na nangangahulugang mananatiling ligtas at madadaanan kahit tumaas ang tubig-ilog, kumpara sa Alicaocao Bridge na sadyang ginawa bilang overflow bridge.

Itinuturing ang proyektong ito bilang konkretong tugon sa matagal nang pangangailangan ng mga CauayeΓ±o, lalo na ng mga residente sa East Tabacal at forest region, na matagal nang umaasa sa mas ligtas at maayos na koneksyon sa transportasyon at kabuhayan.

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments