Walang nakikitang pagtaas sa farm gate price sa karne ng baboy at baka sa Pangasinan.
Ito ay kasunod ng pagtaas ng presyo ng manok sa sampung piso kada kilo dahil sa mababang suplay.
Sa ngayon, nagkakahalaga ng 350 pesos kada kilo ang presyo ng baboy habang ang karne ng baka ay nasa 400 pesos kada kilo.
Mataas umano ang suplay ng mga ito kayat inaasahan na walang paggalaw sa presyo sa merkado sa mga susunod na linggo. | πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments