Nasa 48% na ang progreso sa konstruksyon ng Dumuloc Small Reservoir Irrigation project simula nong isagawa ang commencement nito noong taong 2018, ayon sa inihayag ng The National Irrigation Administration (NIA) Pangasinan Irrigation Management Office (PIMO).
Ang naturang irrigation project ay isinasagawa sa bahagi ng Cayang, Bugallon, Pangasinan kung saan libong mga residente rin nito ang makikinabang at mabebenipisyuhan.
Nasa higit isang libo o 1, 484 na mga magsasaka ang makikinabang sa naturang proyekto sa oras na ito’t matapos at tuluyan nang mag-function habang nasa 1, 632 na ektarya naman sa siyam na barangay sa Bugallon ang mababahagian ng patubig nito.
Ayon kay PIMO Acting Division Manager Engr. John Molano, target umano nila na matapos ang pag seselyado sa earthfill dam reservoir sa buwan ng Abril ngayong taon.
Sa oras na selyado na kasi ang earthfill dam ay maaari na silang makapag umpisa sa pag iimbak ng tubig bilang paghahanda naman sa darating na tag-ulan na inaasahan sa buwan ng Hunyo.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨