𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Mas tinututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan partikular ang hanay ng City Health Office (CHO) ang kaso ng mga animal bite sa lungsod.

Nabanggit ng alkalde sa naganap na Flag Raising Ceremony ngayong araw na nakakapagtala umano ng nasa isang daan na kaso ang CHO ng mga nakakagat ng mga aso at pusa sa isang araw.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pamamahagi ng libreng anti-rabies vaccines para sa mga animal bite patient sa Dagupan City.

Kasabay nito ang paghikayat sa mga Dagupeños ukol sa napapansing mga alagang aso at pusa sakaling makita ang mga ito na nangangailangan ng medikal na atensyon, maiging kuhanan umano ng litrato at ipadala sa kinauukulan upang mabigyan ng aksyon.

Samantala, pinapaalalahanan ang lahat kaugnay sa kahalagahan ng pagpapabakuna ng mga alagang hayop upang maiwasan ang anumang hindi maganda at inaaasahang pangyayari. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments