𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗔𝗧 𝗟𝗘𝗣𝗧𝗢𝗦𝗣𝗜𝗥𝗢𝗦𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗜𝗣𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗-𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢

Dahil sa sunod-sunod na pagtama ng bagyo sa Ilocos Region, muling sumipa ang naitalang kaso ng Dengue at Leptospirosis.

Ayon sa Center for Health Development (CHD-1), nasa 10, 604 na kaso ng dengue ang naitala, mas mataas ng 72 porsyento sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Pumalo naman sa 270 ang naitalang kaso ng leptospirosis.

Ayon sa health authorities ito ay dulot ng sunod-sunod na bagyo na nagdala ng pagbaha sa maraming lugar sa rehiyon.

Dahil dito, muling nagpaalala ang awtoridad sa pag-iingat laban sa mga nabanggit na sakit.

Paalala ng mga ito sakaling makaramdam ng anumang sintomas ng sakit ay agad na magpakonsulta sa ospital at huwag mag self medicate. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments