Sa datos ng MHO Calasiao., pumalo na sa 359 na kaso na ang naitala ngayong taon. Mas mataas kumpara sa 115 na kaso noong nakaraang taon.
Ayob kay Mr. Patrick Angeles, Calasiao Municipal Health Officer, posible umanong dahilan ay ang mga nagdaang bagyo na nagdulot ng mga pagbaha gayundin ang mga stagnant waters na puwedeng pamugaran ng lamok.
Tatlong barangay ang NASA watchlist ng tanggapan kabilang ang Malabago na nakapagtala ng 36 ang naitalang kaso, samantalang 33 naman sa Buenlag at 31 sa Nagsaing.
Dahil dito, puspusan ang isinasagawang information dissemination ng tanggapan upang makaiwas ang mga residente sa dengue.
Sa ngayon, tatlo ang aktibong kaso ng nasabing sakit sa bayan.
Paalala ng health authorities maging mapanuri sa mga lugar na maaring pamugaran ng lamok Gaya ng naipong tubig, maari ring gumamit ng mosquito repellents at magpatingin agad sa doktor sakaling makaranas ng sintomas ng sakit. |πππ’π£ππ¬π¨