Nakapagtala ang Pangasinan Provincial Health Office (PHO) ng mataas na kaso ng dengue noong 2023.
Ayon sa datos, 3,308 na kabuong bilang ang naitala ng ahensya, kung saan mas mataas ito diumano ng 12% na kaso noong 2022, na nasa 2,956 lamang.
Karamihan ng nagka-dengue ay naitala noong buwan ng Agosto-Oktubre, kasabay ng tag-ulan.
Samantala, dalawampu’t-isang buhay naman ang kinitil ng naturang sakit, kung saan walong (8) buwan ang pinakabata at animnapu’t siyam (69) taon naman ang pinakamatandang namatay.
Ayon kay PHO Officer Dr. Cielo Almoite, ang mga naturang kaso ng namatay ay dahil malala na ang nararamdaman na sintomas ng mga ito nang maisugod sa ospital.
Paalala naman ng pamunuan ng PHO na kung sakaling makaranas ng sintomas ng dengue, sumugod agad sa malapit na ospital.
Gayundin, nagtalaga ang labing-apat na government-run hospitals sa probinsya ng fast lane ukol sa mga maitatalang kaso ng dengue.
Dagdag pa nila na walang dapat ikabahala sa bayarin, dahil ang lahat ng indigent patient ay sakop ng Universal Health Care Law ng pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨