𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢

Umabot na sa higit dalawang libo ang bilang ng kaso ng dengue ang naitala sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Sa datos ng Provincial Health Office, mula January 1 hanggang nito lamang August 12, kabuuang 2, 199 ang dengue cases na naitala sa lalawigan.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang kaso ng nakaraang taon sa parehong panahon na nasa 1, 257 cases.

Mas pinaigting pa ngayon ng health authorities ang mga aksyon kontra dengue na ibinababa sa bawat lokal na pamahalaan sa Pangasinan upang tuluyang masugpo at mapababa ang kaso ng sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments