Pumalo na sa 7, 285 ang naitalang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan.
Mas mataas ito ng 146.36 percent sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay DOH CHD 1 Spoekesperson Dr. Rheuel Bobis, inasahan na nila umano ang pagtaas ng kaso ng dengue dahil sa sunod-sunod na bagyo na nagdulot ng pagbaha sa maraming parte ng lalawigan.
Nasa sampung lugar ang nasa watchlist ng awtoridad na kinabibilangan ng San Carlos City, Lingayen, Bayambang, Bugallon, Urbiztondo, Basista, Calasiao, Malasiqui, Binmaley, at Mangatarem.
Karamihan umano sa mga tinamaan ng dengue ay nasa 5-14 taong gulang.
Tumaas din ang bilang ng nasawi ngayong taon na nasa 36 kumpara noong nakaraang taon nasa 20 katao.
Pinag-iingat ng awtoridad ang publiko laban sa sakit at iginiit ang pagsunod sa 4s practice Kontra dengue. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨