Patuloy na nakakapagtala ang Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 1 ng mga kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan.
Ayon sa pahayag ni DSWD, Statutory Program Division Chief Ms. Clarival Banzuela, nagpapatuloy ang isinasagawang hakbang ng tanggapan upang matugunan ang naturang kasong isinasangguni sa kanila. Ilan pa sa naitatala ng tanggapan ang emotional abuse at financial abuse.
Sinabi pa ng ahensya, Nagpapatuloy ang pagpapalaganap ng impormasyon sa mga komunidad, upang sila ay magkaroon ng kamalayan sa pagkakataong sila’y nakakaranas ng pang-aabuso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments