π—žπ—”π—¦π—’ π—‘π—š π—₯π—”π—•π—œπ—˜π—¦ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, 𝗠𝗔𝗦 π—§π—¨π—§π—¨π—§π—¨π—žπ—”π—‘

Mas tututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang kampanya kontra rabies sa probinsya.

Alinsunod dito ang pagsasagawa ng mga information dissemination kaugnay sa nasabing isyu na bahagi na rin sa pakikiisa ng lalawigan sa Rabies Awareness Month.

Matatandaan na noong December 2023, nasa apat na lungsod at tatlong munisipalidad ang higit tinutukan ng ngayon Provincial Veterinary Office (OPVet). Ito ay ang mga bayan ng Mangaldan, Urbiztondo, Malasiqui at mga lungsod naman ng Dagupan, Urdaneta, Alaminos at San Carlos.

Pumalo sa 40% noong nakaraang taon ang pagtaas sa naturang kaso, at mas mataas pa kumpara sa bilang noong taong 2022.

Target ng Pamahalaang Panlalawigan na dalhin information drive, anti-rabies vaccination activity sa iba’t-ibang bahagi sa probinsya upang matiyak ang pagbaba ng kaso ng rabies sa Pangasinan.

Samantala, patuloy na hinihimok ang publiko partikular ang mga pet owners na maging responsable at ipabakuna ang mga alagang hayop upang hindi makapinsala. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments