Nakikitaan ngayon ng health authorities ang pagdami ng kaso ng respiratory illnesses tulad ng influenza like illness at iba pa at isa lamang sa nakikitang dahilan ay epekto ng pabago-bagong panahon na nararanasan ngayon.
Bagamat hindi na required ang pagsuot ng face mask ngayon, hinimok ang publiko na mas maigi ang gawaing ito upang maiwasan ang transmission o hawaan ng nasabing sakit at upang mababa ang tyansa na makakuha ng COVID-19.
Ayon sa pinakahuling tala ng ng Department of Health (DOH), nasa 10% ang naitalang pagtaas ng mga natamaan ng COVID-19 makalipas lamang ang isang linggo.
Hinikayat din ang lahat na mainam ang pagkakaroon ng bakuna tulad ng flu vaccine na makatutulong sa pagpapalakas ng immune system, maging ang pagkakaroon ng sapat na tulog at intake ng mga bitamina.
Sa lalawigan ng Pangasinan, nagpaalala rin ang Provincial Health Office na ugaling magpakonsulta kung may nararamdaman na upang agad itong maagapan at mabigyan ng agarang lunas.
Samantala, pinag-igting ang pagpapaalala ng DOH lalo ngayong Holiday Season na tiyak ang dagsa ng mas maraming tao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments