𝗞𝗔𝗧𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗥𝗜𝗚𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗥𝗘𝗧𝗘 𝗕𝗔𝗥𝗥𝗜𝗘𝗥, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣

Nahulog sa ilalim ng tulay ang isang motorista matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang concrete barrier sa Urdaneta City.

Kinilala ang biktima na si Melvin Ubilas, 27 anyos at residente ng San Manuel, Pangasinan. Ayon sa mga saksi sa insidente, binabaybay ng motorista ang naturang kalsada nang aksidenteng mabangga ito sa concrete barrier ng tulay.

Dahil dito nawalan ng kontrol ang biktima at nahulog sa irigasyon.

Patuloy na isinasagawa ng PNP, BFPat CDRRMO ang retrieval operation sa katawan ng biktima. Nakikipag-ugnayan na rin ang tanggapan sa Coastguard at PDRRMO upang matagpuan na ang biktima.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments