CAUAYAN CITY – Sa Democratic Republic of Congo, nakagawian na ang pag lilipat ng katawan ng isang patay gamit ang motorsiklo patungong morgue.
Karaniwang inaabot ang biyahe ng dalawa hanggang pitong araw.
Binabalot ang mga labi sa sako, tinatalian, at sinusuotan din ng sapatos o bota upang maiwasang tamaan ito ng direkta sa araw o mahanginan na maaaring magpabilis sa decomposition ng bangkay.
Inilalagay din lamang ito sa likod ng rider na parang normal na pasahero o angkas.
Karaniwang ginagawa ito ng mga pamilyang namatayan na kapos palad sa DR of Congo.
Facebook Comments