𝗞𝗔𝗨𝗡𝗔-𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗣𝗗 𝗔𝗖𝗖𝗥𝗘𝗗𝗜𝗧𝗘𝗗 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗦𝗛𝗢𝗣, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗔𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮

CAUAYAN CITY – Idinaos ng DILG Region 2 ang kauna-unahang Continuing Professional Development (CPD) Accredited Workshop na ginanap sa NGN Gran Hotel, Tuguegarao City.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga Civil Engineers mula sa mga piling LGUs kung saan 13 ang mula sa Cagayan, 7 ang galing sa Isabela, at isa ang dumalo mula Nueva Vizcaya.

Bukod sa kanila, dinaluhan din ito ng mga tauhan ng Project Development and Management Unit (PDMU).


Layunin ng aktibidad na bigyan ng pang-unawa ang mga engineers ng bawat nabanggit na lalawigan patungkol sa quality assurance at quality control upang mabawasan ang panganib sa mga proyektong kanilang ginagawa.

Facebook Comments