
Cauayan City โ Pormal nang binuksan sa publiko ang kauna-unahang Interactive Musical Fountain sa Lal-lo, Cagayan.
Sa naging talumpati ni Mayor Florante Pascual, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng proyekto sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya.
Nagpahayag din ng kasiyahan si Vice Mayor Olive Pascual, na nagsabing sumisimbolo ang fountain sa patuloy na pag-unlad ng kanilang bayan.
Ayon kay Municipal Tourism Officer Rebecca Bautista, isa ang Lal-lo sa mga bayan na may matibay na suporta sa turismong pangkaunlaran. Hinimok din niya ang mga mamamayan na panatilihin ang kagandahan ng kanilang bayan at maging maasikaso sa mga turistang bibisita.
Bukod sa pormal na pagbubukas ng Interactive Musical Fountain, naging makulay ang selebrasyon sa pamamagitan ng fireworks display at music band.