Aarangkada ngayong araw, August 29, 2024 ang kauna-unahang Kadiwa ng Pangulo sa bayan ng Lingayen.
Hatid sa mga residente ng bayan ang iba’t-ibang mga produktong mabibili sa murang halaga tulad ng bigas, gulay, prutas, isda at iba pa na mula sa mga local Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs, mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan.
Makakabili ng 29 pesos na presyo ng bigas sa naturang aktibidad matapos lumagda ang lokal na pamahalaan sa Food terminal incorporated o FTI para sa pagtiyak ng sapat na supply ng mura at de kalidad na bigas.
Layon ng programang mapatatag ang food security ng bansa, matulungan ang mga MSMEs sa pamamagitan ng direct selling at mga konsyumer na makabili ng produkto sa abot-kayang halaga.
Samantala, masusundan pa ang unang Kadiwa sa Lingayen sa darating na ika-16 at ika-30 ng Septyembre ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨