𝗞𝗔𝗨𝗡𝗔-𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗩𝗘𝗥𝗦𝗘𝗔𝗦 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥𝗦 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢

Plano ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na makapagpatayo ng kauna-unahang Overseas Filipino Workers Academy sa probinsiya.

Ang nasabing pagpapatayo sa akademyang ito ay inihayag ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino sa ginanap Pangasinan Migration and Development Council Year End Assessment meeting sa PESO Building Capitok Complex. Sa taong 2024 na planong ipatayo ang nasabing proyekto.

Ayon sa opisyal, nagkaroon ng pag-uusap si Pangasinan Governor Ramon Guico III at si OWWA Administrator Arnel Ignacio na planong magpatayo ng nasabing proyekto sa probinsiya kung saan makakatuwang sa pagpoproseso dito ang OWWA at LGU Pangasinan. Para sa mga oportunidad na bubuksan para sa mga Pangasinenseng magnanais magtrabaho sa ibang bansa.

Layunin ng proyekto ito upang bigyan ng proteksyon at maihanda ang mga manggagawang Pangasinenseng magnanais magtrabaho sa ibang bansa at upang ihanda ang mga ito na maaaring magbukas na oportunidad sa mga bansa sa Asia maging sa Korean Peninsula. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments