Planong ipaayos ngayon ang bentilasyon sa Malimgas Public Market matapos ang ilang taon na pag-inda sa mainit na pwesto sa palengke.
Anila, pahirap umano ito para sa kanila lalo na sa tuwing tumataas ang temperatura. Maging ang mga mamimili hindi rin umano makapamili nang maayos dahil sa kawalan ng bentilasyon.
Dahil dito, planong isaayos ng Dagupan LGU ang bentilasyon sa lalong madaling panahon upang maibsan ang iniinda ng mga konsyumer at negosyante.
Samantala, ilang fish vendors ang nabigyan ng livelihood assistance upang makabangon sa epekto ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments