Tinanggap ng Aramal-Tocok Federation of Free-Farmers Multi-Purpose Cooperative sa San Fabian ang peanut production facility and swine bilang pagpapalakas sa produksyon at marketing ng produktong mani.
Kalakip nito ang ilang hauling vehicles, agricultural goods at kapital para sa kooperatiba. Hinimok ni Department of Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr. ang mga magsasaka na gawing ‘bankable’ ang pagsasaka sa tulong ng pasilidad upang kumita ang mga benepisyaryo.
Sa pamamagitan ng storage facility, bibilhin sa mga magsasaka ang unshelled peanut sa halagang P45 kada kilo sa unang taon at may dagdag na P6 kada kilo sa mga susunod na taon.
Inaasahan ng tanggapan na tataas sa 40% ang kita ng mga magsasaka sa bayan kada taon sa produksyon at pagbebenta ng mani. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨