Sinuspinde na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur ang klase sa mga paaralan maging sa mga opisina ng gobyerno sa lalawigan.
Alinsunod ito sa pinirmahang Executive Order No. 31, Series of 2024 kung saan kanselado ang klase sa pribado at pampublikong paaralan at trabaho sa gobyerno ngayong araw, November 7, 2024.
Ito ay upang mapaghandaan at maibsan ang posibleng paghagupit ni Bagyong Marce sa lalawigan sa gitna ng pagsasailalim sa ilang lugar dito sa signal number 2.
Sa ilalim ng Weather Advisory No. 8, ang lalawigan ay inaasahang makararanas ng nasa 50 hanggang 100 rainfall mm simula ngayong araw hanggang bukas na inaasahan namang nasa 100 – 200 mm. Samantala, nakataas sa signal no 2 ang hilagang bahagi ng lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments