𝗞𝗢𝗟𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢

Inirereklamo ngayon ang isang kolehiyo sa bayan ng Manaoag dahil umano sa regularisasyon sa scholarship program nito.

Ayon sa post ng isang estudyante sa facebook, tumigil umano ito sa pag-aaral noong May 2023 at nagbabalak bumalik sa pag-aaral ngunit sa ibang eskwelahan na. Nang magpunta sa naturang eskwelahan upang kunin ang kaniyang credentials nakabinbin umano ito at kinakailangang bayaran ang 62, 000 na di umanoy balanse sa pag-aaral niya sa naturang kolehiyo.

Aniya, pinangakuan sila ng kolehiyo ng “Free Education” sa ilalim ng Tertiary Education Subsidy Program na wala ni singkong babayaran.

Sa post ng kolehiyo, bukas ang kanilang tanggapan mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon mula lunes hanggang biyernes para sa katanungan na may kinalaman sa scholarship program.

Sa kasalukuyan mayroon ng higit isang libong shares ang naturang post sa facebook

Sinusubukan ng IFM News Team na kunin ang pahayag ng Commission on Higher Education Region 1 ukol sa naturang isyu. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments