𝗞𝗢𝗠𝗘𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗜 𝗞𝗨𝗛𝗢𝗟, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗡𝗔𝗪 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗘𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝟲𝟲

Cauayan City – Pumanaw na ang komedyanteng si Doughlas Arthur Supnet o mas kilala bilang Kuhol, nitong Lunes, Disyembre 22, 2025, dahil sa high-risk pneumonia at komplikasyon sa hypothyroidism.
Inihayag ang balita ng kanyang kapatid na si Carol Supnet sa pamamagitan ng Facebook post, kasama ang detalye ng burol ng kilalang artista.
Ayon sa post, nakalakip ang larawan ni Kuhol at mensahe mula sa kanyang pamilya kung saan ipinahayag ang kanilang pagmamahal sa kapatid.
Nakalagak ang mga labi ni Douglas sa Ascension of Our Lord Parish sa Quezon City mula Disyembre 23 hanggang 26.
Naging tanyag si Kuhol sa mga sidekick roles sa telebisyon at pelikula noong dekada 1990 at 2000. Nagsimula siya sa TV show na Mongolian Barbecue, bilang katuwang ni Mr. Shooli na ginampanan ni Jun Urbano.
Kabilang sa kanyang mga pelikula ang Juan Tamad at Mr. Shooli: Mongolian Barbecue (1991), Juan & Ted: Wanted (2000), Matalino Man Ang Matsing Naiisahan Din (2000), Daddy O, Baby O (2000), at Walang Iwanan… Peksman! (2002).
Facebook Comments