𝗞𝗢𝗡𝗦𝗘𝗛𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗨𝗠𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡

Patay ang isang konsehal sa bayan ng Umingan matapos paulanan ng bala ang minamanehong sasakyan sa Brgy. Lubong, Umingan, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Incumbent Municipal Councilor and Re-electionist Ponciano Onia, 59 anyos at residente ng Brgy. Leon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kasama ng biktima ang dalawang Empleyado nito nang pagbabarilin ang sinasakyang SUV ng biktima ng mga hindi pa kilalang suspek. Agad na umalis ang mga suspek lulan ng isang itim na motorsiklo.

Nagtamo ng mga bala sa ilang bahagi ng katawan ng biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Narekober sa crime scene ang walong basyo ng Caliber 45 at dalawang deformed fired bullets.

Nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments