CAUAYAN CITY – Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng Abulug-Ballesteros Bay View Boulevard sa Abulug, Cayagan.
Ang sabing proyekto ay mayroong 490-meter-long boulevard na may 6.7-meter-wide concrete pavement, may sidewalks, slope protection, at seawall.
Sinabi ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan na malaki ang gampanin ng Abulug-Ballesteros Bay View Boulevard upang maging ligtas ang lugar kontra baha at storm surge.
Bukod pa dito, maaari din itong maging daungan kung saan makatutulong sa mga local fishermen para mapalakas pa ang local fishing industry.
Ipinatupad ng DPWH Cagayan 2nd District Engineering Office ang naturang proyekto na may pondong P26.9 million pesos, sa pamamagitan ng General Appropriations Act (GAA) sa ilalim ng Tourism Road Infrastructure Program (TRIP).