
Cauayan City – Nasa 90% na ang natapos
sa pagsasaayos ng temporary connector ng Cabagan–Sta. Maria Bridge.
Personal na binabantayan ni Isabela Governor Rodito Albano, katuwang ang DPWH Region 2, ang mabilis na konstruksyon nito upang matugunan ang hiling ng nakararami na muling magamit ang tulay na nagdurugtong sa mga komunidad sa hilagang bahagi ng Isabela at mga karatig-probinsiya.
Ayon sa mga kinauukulan, pansamantala lamang ang itinatayong connector bridge at eksklusibo itong gagamitin ng mga light vehicle habang hinihintay pa ang mas permanenteng solusyon mula sa pambansang pamahalaan para sa kabuuang rehabilitasyon ng naturang tulay.
Inaasahan namang malaki ang maitutulong nito upang muling mapabilis ang biyahe at maibalik ang normal na daloy ng transportasyon sa lugar.
Source and Video Courtesy: Isabela Pio
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










