𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗟𝗢𝗣𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗡𝗢 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗞𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗢 𝗡𝗔

Nakumpleto na ang konstruksyon ng dalawang slope protection project sa bahagi ng Agno River sa San Carlos City.

Ang mga kumpletong proyekto ay makatutulong upang makapagbigay ng kaligtasan sa mga residente ng barangay Bogaoan at Guelew.

Nagkakahalaga ng PHP48.99 million ang 355.47 meters na slope protection sa bahagi ng Barangay Bogaoan habang nasa PHP47.78 million naman ang halaga ng 287 meter slope protection sa bahagi ng Barangay Guelew.

Kabuuang PHP 96.77 million ang halaga ng mga naturang proyekto sa ilalim ng national budget ngayong taon.

Ang proyektong ito ay proteksyon para sa mga residente mula sa iba’t-ibang sakuna tulad ng malalakas na pag-ulan, bagyo, baha, at pagguho ng lupa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments