𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗙𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗠𝗜𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY- Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways Isabela 1st District Engineering Office ang konstruksyon ng flood mitigation project sa Cagayan river na sakop ng Brgy. Calamagui 2nd, Ilagan City, Isabela.

Naglaan ng mahigit P139,925,000 para sa naturang proyekto kabilang rito ang konstruksyon ng 463 linear meter ng concrete revetment ng steel sheet piles.

Ayon kay District Engineer Deoferio P. Vehemente Jr., ang proyekto ay malaking tulong sa pagkontrol ng baha na sumisira sa mga ari-arian at buhay ng mga residente.


Sa ngayon, nasa 49.20% na ang natapos sa flood mitigation project at aasahang matatapos ito sa buwan ng Enero sa susunod na taon.

Facebook Comments