𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗡𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧 𝗗𝗘𝗦𝗧𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗜, 𝗡𝗔𝗞𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗢 𝗡𝗔

Natapos na ang konstruksyon ng kalsada patungo sa bahagi ng Tubong Beach at Dacap Sur Pilgrimage Site sa bayan ng Bani.

Malaki umano ang maitutulong nito sa mga residente maging sa sektor ng turismo sa bayan. Nasa kabuuang P19.30 million ang halaga ng naturang road project na pinondohan sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act. Ang konstruksyon nito ay naisakatuparan sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways at ng Department of Tourism. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments