𝗞𝗢𝗡𝗦𝗨𝗠𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦

Nakitaan ng pagtaas sa demand ang konsumo ng kuryente sa Pangasinan, ayon sa mga pOwer distributors sa lalawigan.
Batay sa obserbasyon ng Dagupan Electric Corporation (DECORP), tumaas ang demand ng kuryente ngayon dahil sa nararanasang tag-init. Ang dahilan, maari ay sa patuloy na pag-andar ng mga appliances upang maibsan ang init.
Ilang pamilya naman ang aminado sa patuloy na pagtaas nito dahil sa mga isinasagawa nila upang hindi sila masyadong maapektuhan ng nararanasang init ng panahon.
Gayundin ang obserbasyon ng Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) sa mga konsyumer nito. Samantala, siniguro naman nila na matatag ang suplay ng kuryente sa lalawigan ngayong tag-init. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments