Nakitaan ng pagtaas sa demand ang konsumo ng kuryente ngayong tag-init, dahil sa patuloy na paggamit ng mga konsyumer upang maibsan ang init na nararamdaman, ayon sa mga electric companies.
Ayon naman sa ilang konsyumer, halos walang humpay ang kanilang paggamit ng iba’t ibang pampalamig tulad ng electric fan at aircon. Kaya hindi na lingid sa kanila ang pagsipa ng electric bills nila ngayon.
Samantala, ayon naman sa isang electric company sa Dagupan, sa pagtaas ng demand inaasahang magiging maayos ang suplay ng kuryente hangga’t walang magiging aberya.
Ilang hakbang naman ang suhestyon para sa mga konsyumer ang hinihikayat na gawin upang makatipid parin sa pagkonsumo ng kuryente, tulad na lamang ng pagpatay sa mga appliances na hindi ginagamit o di nama’y mag-invest sa solar panel. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨