Itinaas na sa red alert ang emergency operations ng La Union PDRRMO bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Ofel sa lalawigan.
Bagamat humina ang bagyo, inaasahan pa rin na maapektuhan ang probinsiya matapos isailalim sa TCWS No. 1 ang hilagang bahagi nito.
Ayon sa tanggapan, naka standby na ang mga rescue equipments at assets tulad ng rescue truck, rubber boat at high lift-off road rescue vehicle para sa agarang pagresponde sa emergency.
Bilang karagdagan, tiniyak din ng La Union PDRRMO na handa para sa deployment ang labing anim na grupo ng rescue personnels para sa monitoring ng bagyo at posibleng operasyon sa mga risk-prone areas.
Nagpapatuloy ang pagbabantay ng tanggapan sa buong lalawigan partikular sa low-lying at flood-prone areas na lubhang naapektuhan tuwing may bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨