Naghain na ng kandidatura sa pagkagobernador sa lalawigan ng La Union si Incumbent Vice Governor Mario Ortega para sa 2025 Midterm Elections kahapon.
Running mate ng opisyal para sa pagkabise gobernador si Former Aringay Mayor Eric Sibuma.
Ayon Kay Ortega , tatlumpo’t anim na taon na ito sa serbisyo publiko kung kaya’t sanay na sa mga gampanin sa pamahalaan.
Makakatunggali nito ang kanyang apo na si Incumbent Governor Raffy Ortega David na kanyang running mate noong 2022 elections. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments