Pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang labelling system sa produktong Bangus.
Layunin nito na makita agad ng mga mamimili ang Certified Dagupan Bangus.
Ang paglalagay rin ng label ng bangus ay mula sa rekomendasyon ng Department of Trade and Industry at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Makatutulong rin ito para sa pagpapataas ng kita ng mga bangus growers sa lungsod at maging ng mga fish vendors.
Matatandaan na nagkaroon na rin ng inspeksyon ang lokal na pamahalaan sa mga fish pen at oyster rafts at nagkaroon ng pulong sa pagitan ng City Agriculture Office at ng mga mangingisda para sa konserbasyon nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments